Quantcast
Channel: MovePH
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3375
#Tweetanaga: Mag-tweet at tumula tungkol sa kabayanihan
0
0
MANILA, Philippines – Sa Miyerkoles, Nobyembre 30, ay ipagdiriwang natin ang kaarawan ni Andres Bonifacio.
Aalalahanin din natin ang kanyang nagawa para sa bayan sa pamamagitan ng mga #Tweetanaga tungkol sa kabayanihan
Ang "tweetanaga" ay pinagsamang mga salitang "tweet" at 'tanaga." Katulad ng patimpalak ng Rappler noong August 2013, pagkakasyahin ang katutubong tula sa isang Twitter post – 140 characters.
Ang tanaga ay may:
• 4 na linya
• 7 pantig o syllables sa bawat linya
• tugma or rhyme pattern na noong unang panahon ay isahan (monorhyme), pero kalauan ay ginamitan na ng iba't ibang kombinasyon: aa-bb (magkatugma ang unang dalawang linya, at ganun din ang huling dalawa), ab-ab, abba.
Basta dapat magkasya sa isang tweet.
Halimbawa:
{source}
Kung ang tapang ay wagas
Hindi 'to maaagnas
Kahit saan ilibing
Bayani pa ring turing#Tweetanaga @rapplerdotcom
— Stacy de Jesus (@stacydejesus) November 25, 2016
Simulan 'nyo nang ipahayag ang saloobin tungkol sa kabayanihan sa Araw ni Bonifacio. I-tweet ang inyong tanaga sa @rapplerdotcom gamit ang hashtag na #Tweetanaga.
Iipunin namin ang pinakamagagandang #Tweetanaga, at ilalathala sa pahinang ito sa Nobyembre 30. – Rappler.com
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3375
Trending Articles