MANILA, Philippines – Matapos ang special report ng Rappler na sumuri sa accessibility ng LRT at MRT stations sa Metro Manila para sa persons with disability, nakipag-dialogo ang Department of Transportation (DOTr) sa mga grupong nagsusulong ng accessibility at kapakanan ng mga PWD noong Biyernes, Oktubre 20.
Sa pulong ng DOTr, Kasali Tayo, ilang PWD rights advocate, at Rappler, pinag-usapan ang mga plano at disenyo ng mga train station ng Metro Manila Subway at ng North-South Commuter Railway upang maging mas angkop para sa mga PWD. – Rappler.com