MANILA, Philippines – “Never again! Never forget” ang karaniwang panawagan tuwing anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law. Ngunit paano nga ba hindi makalilimot ang mga Pilipino lalo na’t lunod tayo sa iba’t ibang uri ng disimpormasyon? Paano maipapaalam sa mga bagong henerasyon ang katotohanan patungkol sa mga pang-aabuso noong Martial Law?
Bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar, pinangunahan ng mga mag-aaral ng NSTP CAL UP Diliman at ng Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan (ABKD) ang Martial Law ABCs. Layunin nitong ipaalam sa mga kabataan ang mga naganap sa madilim na bahagi ng ating kasaysayan.
Kabilang ang ABKD sa #FactsFirstPH, isang koalisyon na binubuo ng lagpas 100 mga grupo mula sa iba’t ibang sektor na may layuning banggain ang disimpormasyon. Sa ilalim ng #FactsFirstPH ay inilunsad naman ang #SaysayNgKasaysayan, isang kampanyang naglalayong ituwid ang lantarang pagbabaluktot sa ating kasaysayan. – Rappler.com
Animation by Janina Malinis
Creative direction by Emil Mercado
Narration by Jules Guiang