Quantcast
Channel: MovePH
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3379

Bawal makalimot: Pahayag ng mga grupo sa panunumpa ni Marcos Jr.

$
0
0

MANILA, Philippines – #NeverForget – huwag makakalimot.

Pinanindigan ng mga aktibista mula sa iba’t ibang sektor ang nasabing slogan tungkol sa mga pang-aabuso noong panahon ng Martial Law ni Ferdinand E. Marcos nitong Huwebes, Hunyo 30, araw ng panunumpa bilang pangulo ng anak nitong si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa National Musem of Fine Arts sa Maynila.

Narito ang pahayag ng ilan sa kanila.

Concerned Artists of the Philippines

Nagsagawa ang CAP ng mobilisasyon sa Liwasang Bonifacio sa Maynila na may temang “Bawal Makalimot: Reject Marcos-Duterte.” Nanawagan sila para sa pagbaba ang mga presyo ng bilihin, dagdag na sahod sa mga manggagawa, katarungan at proteksiyon sa karapatang pantao, at ang pagdepensa sa malayang pamamahayag. Isa sa mga isyung pinuna nila ay ang utos ng Securities and Exchange Commission nitong Martes, Hunyo 28, na kanselahin ang certificate of incorporation ng Rappler.

Larawan mula sa Concerned Artists of the Philippines

“Repression, censorship, political dynasties, subservience, and socio-economic inequality have no place in a genuine democracy. These will only bring us back to years under Martial Law,” pahayag ng CAP.

Nauna nang nagpahayag ang CAP ng kanilang pananaw tungkol sa pagpasok ng bagong administrasyon.

The Victims-Survivors of the Marcos Dictatorship

Nagsagawa rin ng “panunumpa sa bayan” ang mga biktima ng diktadura mula 1972 hanggang 1986 na patuloy na labanan ang paniniil, kasinungalingan at pagyurak sa karapatang pantao at kalayaan. Ang pagtitipong ito sa Bantayog ng mga Bayani, Quezon City, ay nagsilbing protesta laban sa panunumpa ni Marcos.

(BASAHIN: As Marcos takes oath, Martial Law victims pledge to guard vs tyranny)

Larawan mula sa The Victims-Survivors of
The Marcos Dictatorship (1972 – 1986)
Kalikasan

Hinamon ng grupo si Marcos Jr. na ibalik ang moratorium sa mining applications at ipatigil ang open-pit mining sa buong bansa. Dagdag pa nila, dapat na pumili ang Pangulo ng epektibong Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na isang eksperto sa larangan at may kapasidad na magbabalanse ng mga interes ng iba’t ibang sektor, lalo na ng mga komunidad.

Larawan mula sa Kalikasan
DAKILA

Sa pamamagitan ng isang tulang pinamagatang “To The Man In the Palace,” sinabi ng grupong Dakila kay Marcos Jr. na ang kanyang pagkapanalo sa halalan ay pagkakataong maglingkod sa bayan at hindi upang linisin o burahin ang mga kasalanan ng kanyang ama. Hamon din ng Dakila na tiyakin ng Pangulo na makamit ang katarungan, kapayapaan, at kaayusan para sa lahat ng mga Pilipino.

Larawan mula sa Dakila

May pahayag din ba ang inyong organisasyon tungkol sa panunumpa ni Pangulong Marcos? Magpadala ng email sa move.ph@rappler.com. Rappler.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3379

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>