Quantcast
Channel: MovePH
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3375

#AtinAngPilipinas Town Hall: Karapatang pantao

$
0
0

MANILA, Philippines – Dumami ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Libo-libo ang pinatay sa giyera kontra droga, samantalang umigting din ang karahasan laban sa mga aktibista, mamamahayag, at mga kritiko ng pamahalaan.

May banta rin sa kasarinlan ng bansa dahil sa pagsasantabi ni Duterte sa desisyon ng international tribunal na nagpawalang bisa ng pang-aangkin ng China sa malawak na karagatan ng rehiyon. Dahil dito, lumakas ang loob ng China na sakupin ang mga pulong nasa teritoryo ng Pilipinas, at bantaan ang mga mangingisdang Pilipino.

Sa Sabado, Abril 23, ika-4 ng hapon – dalawang linggo bago ang araw ng halalan ngayong 2022 – tututukan sa ikalima sa #AtinAngPilipinas town hall series ang lagay ng karapatang pantao sa Pilipinas at ng pagprotekta sa kasarinlan sa bansa, at kung ano-ano kaugnay ng mga isyung ito ang dapat bigyang-pansin ng ating mga susunod na pinuno. 

Ang #AtinAngPilipinas town hall ay isang serye ng MovePH at partner coalitions. Tinatalakay dito ang five-point agenda na pinagkasunduan ng mahigit sa 150 organisasyon na kabilang sa #PHVote at #CourageON coalitions, at kung ano paninindigan ng mga kandidato sa pagkapangulo sa mga isyung ito:

  • Kalusugan at pagtugon sa pandemya
  • Kabuhayan at ekonomiya
  • Edukasyon
  • Kalikasan at pagbabago ng klima
  • Kapayapaan, kaayusan, paggalang sa karapatang pantao

Layunin nitong tulungan ang mga botanteng mas maunawaan kung sino ang dapat nilang iboto sa darating na halalan kung ang pagbabasehan ay ang mga importanteng isyung kinakaharap ng bansa. 

Ang ikalimang #AtinAngPilipinas town hall ay inorganisa ng UNESCO Jakarta, MovePH, Karapatan, DAKILA, National Council of Churches in the Philippines, iDEFEND, Ka-Ilongga, YouVote Global Shapers Iloilo, Model United Nations – UPD, Rise Up for Life and Rights, Alyansa ng Kabataang Mindanao para sa Kapayapaan (AKMK), Legal Network for Truthful Elections, #PHVote at #CourageON: No Lockdown on Rights coalitions.

Magkakaroon ng dalawang panel discussion ang town hall na ito.

Sa unang panel discussion, tatalakayin ang masusing imbestigasyon sa karapatang pantao at ang giyera kontra droga. Makakasama natin ang mga sumusunod na speaker:

  • Cristina Palabay, ang secretary general ng Karapatan
  • Amy Jane Lee, pamilya ng isang biktima ng gera kontra droga
  • Rowena Legaspi, ang executive director ng Children’s Legal Rights and Devt Center

Sa ikalawang panel discussion, tatalakyin ang pagprotekta sa kasarinlan ng bansa at sa mga espasyong demokratiko. Tagapagsalita sina:

  • Rose Trajano, miyembro ng iDEFEND
  • Jun Castro, kapatid ni Dr. Naty Castro na ilegal na ikinulong nitong taon

Moderators sa pagpupulong sina Jules Guiang, ang pinuno ng Community ng Rappler, at ni Marj Salandanan ng iDEFEND.

Ano-anong mga isyu sa karapatang pantao ang gusto mong aksiyonan ng susunod nating mga pinuno? I-tag kami sa Twitter @MovePH. Gamitin din ang hashtag na #AtinAngPilipinas. Rappler.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3375

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>