Quantcast
Channel: MovePH
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3375

[WATCH] #AtinAngPilipinas town hall: Kabuhayan at ekonomiya

$
0
0

Sa nalalapit na eleksiyon, anu-anong plataporma ang mahalagang ipaglaban ng susunod na administrasyon? 

Kabilang ang pangkabuhayan at ekonomiya sa mga isyung haharapin ng susunod na lider, lalo pa’t milyun-milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho, maraming negosyo at mga sektor ang napadapa dahil sa palpak na pagtugon sa pandemya.

Ang desisyon na gagawin natin ngayong Mayo ay magsasaad ng kinabukasan ng bansa.

Alinsunod dito, ang MovePH at mga miyembrong organisasyon ng #PHVote at #CourageON: No Lockdown on Rights ay inilunsad ang #AtinAngPilipinas town hall. Ito ay serye ng mga pagpupulong kung saan pag-uusapan ang iba’t-ibang isyu na hinaharap ng bansa at ang mga paninindigan ng mga kandidato sa pagkapangulo. 

Tampok sa bawat town hall ang isang tema mula sa 5-point agenda na nilikha ng mahigit 150 organisasyon na kabilang sa #PHVote at #CourageON coalitions. Saklaw rito ang kalusugan at pagtugon sa pandemya; kabuhayan at ekonomiya; edukasyon; kalikasan at pagbabago ng klima; kapayapaan, kaayusan, paggalang sa karapatang pantao.

Must Read

Over 150 groups make agenda to help voters choose bets for elections

Over 150 groups make agenda to help voters choose bets for elections

Sa pangalawang town hall na gaganapin sa darating na Sabado, Pebrero 26, 2 pm, makakasama ng MovePH ang Samahan at Ugnayan ng mga Konsyumer para sa Ikauunlad ng Bayan (SUKI) network, IBON Foundation, Center for Trade Union and Human Rights, Move as One Coalition, at Now You Know upang talakayin ang mga mahahalagang isyu patungkol sa kabuhayan at ekonomiya, at iba pang pwedeng bigyan-pansin ng ating susunod na mga pinuno. 

Ito ang mga speaker sa #AtinAngPilipinas town hall – Kabuhayan at ekonomiya: 

  • Sonny Africa  – Executive Director ng IBON Foundation
  • Ariel Casilao – Vice President ng Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura
  • Katreena Chang – Policy Research Head ng Move As One Coalition 

Layunin ng town hall na itong tulungan ang mga botante na mas maunawaan kung sino ang dapat nilang iboto sa darating na halalan kung ang pagbabasehan ay ang mga importanteng isyu ng bansa. Una nang tinalakay ang isyu ng kalusugan at pagtugon sa pandemya. Maari mo pa rin itong mapanood dito.

Ano-anong mga isyung pangkabuhayan at ekonomiya ang gusto mong aksyunan ng susunod nating mga pinuno? Abangan ang town hall sa Rappler at sa mga online pages ng mga partners . – Rappler.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3375

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>