MANILA, Philippines – Palapit na ang araw ng 2022 eleksyon sa Pilipinas.
Isa sa mga isyu na dapat tugunan ng ating susunod na mga pinuno ay ang umiiral na pandemya at ang mga pagayos ng mga serbisyong pampublikong kalusugan. Ang desisyon na gagawin natin ngayong Mayo ay magsasaad ng kinabukasan ng bansa.
Alinsunod dito, kami sa MovePH at ang aming mga partner sa #PHVote at #CourageON: No Lockdown on Rights ay nag-organisa ng serye ng mga townhall o pulong. Tinatawag na #AtinAngPilipinas town hall, dito natin pag-uusapan ang mga iba’t-ibang isyu na hinaharap ng bansa at ang mga paninindigan ng mga kandidato sa pagkapangulo.
Bawat town hall ay tatalakayin ang isang tema mula sa 5-point agenda na nilikha ng mahigit 150 organisasyon na kabilang sa #PHVote at #CourageON coalitions. Saklaw dito ang kalusugan at pagtugon sa pandemya; kabuhayan at ekonomiya; edukasyon; kalikasan at pagbabago ng klima; kapayapaan, kaayusan, paggalang sa karapatang pantao. Layunin nitong tulungan ang mga botante na mas maunawaan kung sino ang dapat nilang iboto sa darating na halalan kung ang pagbabasehan ay ang mga importanteng isyu ng bansa.
Ang unang town hall, na inorganisa ng MovePH, Bantay Bakuna, Coalition for People’s Right to Health, Council for Health and Development, Kilos na para sa Kabuhayan, Kalusugan at Karapatan, Juan Health PH, at Philippine Medical Students’ Association, ay magaganap sa Pebrero 12, 4 pm. Tatalakayin dito ang pandemya at pangkalusugan, at ano ang pwedeng bigyan-pansin ng ating susunod na mga pinuno.
Ito ang mga speaker sa #AtinAngPilipinas town hall: Kalusugan at pagtugon sa pandemya:
- Nadia del Leon, executive director of the Institute for Occupational Health and Safety Development
- Clark Trovela, national chairperson of Philippine Medical Students’ Association
- Mary Anne Castillo, president of Nexperia Philippines inc. Workers Union
Ito ay iho-host nina ng lead ng Rappler membership na si Happy Feraren, at Dr. Joshua San Pedro, co-convener ng Coalition for People’s Right to Health.
Ano-anong mga isyung pangkalusugan at pagtugon sa pandemya ang gusto mong aksyunan ng susunod nating mga pinuno? Sumali sa town hall ngayong Pebrero 12, 4 pm. Lalabas ito sa Rappler at sa mga oline pages ng mga partner nito. – Rappler.com