Quantcast
Channel: MovePH
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3375

PANOORIN: Ano-ano ang mga karapatan mo?

$
0
0

Alam mo ba kung ano-ano ang karapatan mo?

Gumawa ng dokumento ang United Nations noong Disyembre 10, 1948, para ipaliwanag ang karaniwang pamantayan ng karapatang pantao. Paraan nila ito upang maprotektahan ang ating karapatang pantao kahit saan man tayo sa mundo. Tinawag itong Pangkalahatang Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao o Universal Declaration of Human Rights

Ang karapatang pantao sa Pilipinas ay ginagabayan ng dokumentong ito at ng ating Konstitusyon, ngunit maitataguyod lamang ang karapatang pantao kung nauunawaan natin kung ano-ano ang mga ito.

Panoorin ang bidyo na ito na ginawa ng Free the Artist Movement, kasama ang iba’t-ibang artista, makata, at manlilikha. Ang mga bumigkas sa bidyo na ito ay sina Leo Rialp, Angel Aquino, Dido dela Paz, Lui Quimbao-Manansala, Apollo Abraham, Monique Wilson, Mackoy Villaroman, Pinky Amador, Bart Guingona, Bituin Escalante, Ian Lomongo, Sue Prado, Astarte Abraham, Juan Miguel Severo, Shamaine Buencamino, Joel Lamangan, Xiao Chua, at Rody Vera.

Ito ay sa direksiyon ni Soc Jose at inedit ni Malu Maniquis. – Rappler.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3375

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>