Marami ang nakasalalay sa parating na halalan: ang kinabukasan lalong lalo na para sa susunod na henerasyon, ang ating karapatang pantao, ang ating soberanya, at ang kabuhayan ng mga kababayan natin na naghihirap, lalo na sa gitna ng pandemya.
Dapat hindi makalimutan na nasa Pilipino nakasalalay ang klase ng pagbabago at kinabukasan na gusto nila para sa bansa. Ito ba ay isang Pilipinas kung saan patuloy ang korapsyon at pananakot sa sarili nating kababayan o isang bansa na pinahahalagahan ang mabuting pamamahala?
Ngayon na palapit na ang halalan, importanteng iisipin kung sino sa mga kandidato natin ang makakatugon sa mga pangangailangan natin.
Sa ikasiyam na episode ng “#CourageON: Tumindig, Makialam, Kumilos,” tatalakayin natin, kasama ang mga eksperto at mga advocates, kung ano ang nakakaiba sa parating na halalan, ano ang dapat nating antabayanan, at ano-ano ang kailangan nating tandaan sa pagpili ng isang kandidato.
Ang community show na ito ay inorganisa ng MovePH kasama ang Friedrich Naumann Foundation for Freedom. Ang layunin ng show na ito ay bigyang pansin ang mga iba’t-ibang isyu sa Pilipinas at ang mga paraan na maari nating gawin para sama-sama nating aksyunan ito.
Ilulunsad rin sa episode na ito ang #AtinAngPilipinas people’s agenda na ginawa ng #PHVote at #CourageON: No lockdown on Rights coalitions.
Ang episode na pinamagatang “#CourageON: Irehistro sa balota na #AtinAngPilipinas” ay magpe-premiere sa Sabado, Nobyembre 27, 4 pm. Maaring magrehistro dito para makasali sa live session sa Zoom:
May dalawang segment ang episode na ito:
Segment one: Ano ang nakakaiba sa 2022 halalan?
Segment two: Paano irehistro sa balota na #AtinAngPilipinas
Ito ay iho-host ng community lead ng Rappler na si Jules Guiang at ng membership lead ng Rappler na si Happy Feraren.
Tingnan ang iba pang mga episode ng “#CourageON: Tumidig, Makialam, Kumilos” community show dito:
- WATCH: #CourageON: Tumindig, makialam, kumilos
- #CourageON: From our ancestral heritage to elections, the issues we shouldn’t forget
- #CourageON: Climate crisis and a pandemic
- #CourageON: What Filipinos can do to watch the budget
- #CourageON: Lessons to keep our democracy
- #CourageON: How PAREX affects all of us
- #CourageON: The shrinking spaces for indigenous women in PH
- #CourageON: Pushing back against disinformation
– Rappler.com