Below is the statement of the #PHVote coalition, reiterating its call on the Commission on Elections to extend voter registration beyond the September 30, 2021, deadline. #PHVote coalition, composed of groups from various sectors, aims to promote more avenues for civic participation in the coming elections, help increase voter registration and turnout, and help fight election-related disinformation.
Ayusin ang proseso, i-extend ang voter registration
Inuulit ng #PHVote coalition ang petisyong i-extend ang voter registration sa bansa at ituring itong essential activity na pinahihintulutan kahit may lockdown.
Dahil sa madalas na pagsasara ng mga opisina ng Commission on Elections (Comelec) nitong nakaraang isa’t kalahating taon, halos anim na buwan sa buong bansa, at walong buwan sa mga piling lugar, ang nawala sa itinakdang panahon para sa pagpaparehistro ng mga botante.
Sinabi ng Comelec na pag-aaralan pa nito kung babawiin ang naunang desisyon na tapusin ang rehistrasyon sa orihinal na deadline. Ilang araw na lang ay Setyembre 30, 2021, na at kailangan ng malinaw na desisyon tungkol dito.
Hindi naging sapat ang pagpapatupad ng Comelec ng mas mahabang oras ng pagpaparehistro bawat araw at pagbubukas nito tuwing Sabado at holidays. Ayon sa reports:
- Patuloy na dumaragsa ang mga nagpaparehistro. Ang mga humahabol na magpalista ay nauubusan na ng slots sa appointment schedule.
- Kinakailangang magpunta nang madaling araw pa lamang ang mga botante at maghintay buong araw kung sila’y mabibigyan ng numero para makapagparehistro.
- Kung hindi man maghintay sa mahahabang pila, ang mga nais magparehistro ay nagpapabalik-balik sa kanilang lokal na Comelec kapag hindi nakakaabot sa itinakdang quota para sa bawat araw.
Kaya muli kaming nananawagan sa Comelec:
- Palawigin ang voter registration period. Malinaw na kailangan ng mas mahabang panahon para bawiin ang mga buwan na nawala sa mahigit 13 milyon pang kalipikadong botante.
- Makinig at makipagtulungan sa mga komunidad, organisasyon, at mambabatas na nananawagan para sa extension ng voter registration.
Nakasalalay sa eleksiyon sa 2022 ang kabuhayan, kalusugan, karapatan, at kinabukasan ng mga Filipino. Higit kailanman, hindi dapat isakripisyo ang karapatan at tungkulin nating bumoto.
#ExtendTheReg.
#WeDecide. Atin ang Pilipinas.
Signatories:
- MovePH
- Amateur Media Association of Philippine Scouts
- Anakbayan
- Antique Youth Corps
- Ayuda Network
- BUKLOD CSSP
- BUKLOD-Bicol University
- Caloocan Young Leaders Initiative
- College Editors Guild of the Philippines
- DAKILA
- First Time Voters Network
- Foundation for Media Alternatives
- Global Shapers Community-Iloilo Hub
- Human Rights Online Philippines (HROnlinePH)
- In Defense of Human Rights and Dignity Movement (IDEFEND)
- Institute for Nationalist Studies
- Ka-Ilongga Organization
- Kabataan, Tayo ang Pag-asa
- Kontra Daya
- League of Filipino Students
- LILAK (Purple Action for Indigenous Women’s Rights)
- Matanglawin Ateneo
- Move As One Coalition
- Now You Vote
- National Union of Students of the Philippines
- Panday Sining
- Student Christian Movement of the Philippines
- TomasinoWeb
- We The Future PH
- Youth Act Now Against Tyranny
- YouVote
– Rappler.com