Quantcast
Channel: MovePH
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3375

Over 70 organizations call Duterte admin’s performance a ‘failure’

$
0
0

Below is the statement of the #CourageON: No Lockdown on Rights coalition, which was signed by more than 70 organizations, following President Rodrigo Duterte’s final State of the Nation Address on July 26. #CourageON is a broad coalition of human rights groups that aims to keep watch on abuses and violations and identify opportunities for collective action to promote and defend human rights.

Sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, iniulat niya ang sinasabing tagumpay ng kanyang administrasyon: ang kampanya laban sa droga, pagsugpo sa kriminalidad, pagresolba umano sa kurapsyon, at ang programang “Build Build Build.” Pinasadahan din niya ang tugon ng gobyerno sa pandemya sa kabila ng matinding pagbabanta ng Delta variant, mahigit sa 27,000 na mga nasawing Pilipino, at 3.73 milyong nawalan ng trabaho

Sa aming tala, narito ang tunay na pagganap ni Duterte sa kanyang tungkulin ayon sa mga kategoryang tinaguriang pinakakritikal sa usaping pambansa. 

Narito ang marka ng koalisyon batay sa ulat ni Duterte sa kanyang huling SONA. 

Kalusugan

Umabot muna ng higit sa dalawang oras ang kanyang SONA bago niya pinag-usapan ang isa sa pinakamalalaking alalahanin ng bansa: ang pagtugon ng gobyerno sa pandemya. Sa kakarampot na oras na inilaan nito tungkol sa pandemya, pinasalamatan ni Duterte ang Kongreso sa pagpasa ng Bayanihan 1 at 2 na, ayon sa kanya, nakatulong sa pagpopondo ng mga programang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga Pilipino sa gitna pandemya. 

Marka: PALPAK! Malinaw na pinabayaan ng pamahalaan ang mamamayan kung kailan ito higit na kailangan ng sambayanan. Ang ating bansa ang may pinakamahabang lockdown, ngunit sa kabila nito, bumubulusok pataas ang kaso ng mga positibo at libo-libong mamamayan ang nawalan na ng buhay at kabuhayan. 

Sa halip na tiyaking may malinaw na katuwiran ang mga plano at may direksyon ang pagtugon ng gobyerno upang maiahon ang mga Pilipino ngayong may pandemya, ang isinagot ay dahas.

Kahit pa naisabatas na ang Universal Healthcare Law, marami pa rin ang nasasawi dahil hindi nabibigyan ng sapat na atensyong medikal. Malaki pa rin ang kakulangan sa mga doktor, nars, at kumadrona lalo, sa kanayunan, at mahal pa rin ang gamot at pagpapagamot.

Kasarinlan

Muling nangatwiran si Duterte na ang paggiit sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea ay hahantong sa giyera laban sa Tsina, isang pahayag na ilang ulit nang sinalungat ng mga eksperto sa diplomasya. 

Marka: PALPAK! Malinaw na sa huling limang taon ng administrasyong Duterte, nangibabaw ang interes ng Tsina pagdating sa West Philippine Sea kaysa sa usapin ng ating soberanya at patrimonya. Ang gasgas na pahayag na ito ay pagtatakip at pagbibigay katuwiran sa kapalpakan ng administrasyon sa paggiit ng ating soberanya laban sa Tsina.

Hindi rin ipinagtanggol ng gobyerno ni Duterte ang ating mga kababayang mangingisda na makailang beses nang dinahas ng dayuhan sa sarili nating teritoryo. 

Karapatan

Malaking oras ang iginugol ni Duterte sa kanyang SONA upang balikan ang kanyang mga lumang argumento ukol sa kontrobersyal na kampanya ng kanyang administrasyon laban sa droga at madugong kampanyang kontra insurhensiya. Walang pakundangan niyang inamin na nagkaroon ng mga pagpatay dahil, ayon sa kanyang reklamo, kapag sinunod ang “ligal na paraan” ay “tatagal nang ilang buwan at taon” pa ang problema sa droga.

Lantaran niyang inulit ang kanyang utos na “shoot them dead” laban sa mga pinaparatangan nilang “komunista” sa harap ng malawakang red-tagging ng pamahalaan laban sa mga aktibista, kritiko, mamamahayag, at kahit ordinaryong mamamayan — ito ay sa kabila ng napipintong imbestigasyon ng International Criminal Court sa mga krimen ni Duterte laban sa sangkatauhan.

Marka: PALPAK! Sa simula pa lang ng termino ni Duterte nilabag na niya ang pangunahing karapatan sa buhay nang ideklara ang giyera laban sa droga, at ito ang naging blueprint ng lahat ng patakarang “kill, kill, kill” ng administrasyong Duterte. Sinundan ito ng giyera kontra insurhensiya at terorismo na target ang pagsupil sa mga kritiko, aktibista, at mga tagapagtanggol ng karapatang pantao. Libu-libo ang pinaslang na hanggang ngayon ay walang nakakamit na katarungan. Marami pa ang na-torture, dinukot, at sapilitang winala, kabilang na ang higit 122 kabataan at menor de edad mula July 2016 hanggang December 2019, ayon sa isang pag-aaral ng World Organisation Against Torture. 

Sa patuloy na implementasyon ng Anti-Terrorism Act at iba pang batas at patakarang sumisiil sa kalayaang magpahayag, tumutol at magprotesta, lalong kumitid ang espasyo para sa demokratikong partisipasyon ng mamamayan at pag-ambag sa kagalingan ng lipunan. 

Kabuhayan

Inamin ng Pangulong hindi na makakayanan ng ekonomiya ang panibagong lockdown. Hindi rin niya itinanggi ang riyalidad ng libu-libong Pilipinong nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Dahil dito, inatasan niya ang Kongresong unahin ang mga panukalang naglalayong suportahan ang panunumbalik ng ekonomiya ng bansa. 

Marka: PALPAK! Ang palpak na pagtugon sa krisis pangkalusugan bunga ng liderato at korapsyon sa mga ahensya ng gobyerno ang sanhi ng pabalik-balik na lockdown. Nagdulot naman ito ng kawalan ng seguridad sa trabaho ng maraming sektor. Patunay nito ang 49% ng Pilipinong naniniwalang sila’y naghihirap, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations. Gayundin ang may 4.8 milyong pamilyang gutom at higit 4 na milyong manggagawang walang trabaho. 

Naglaho ang pangakong ENDO nang i-veto ni Duterte ang Senate bill na siya mismo ang nag- certify bilang urgent. Sa pagsasara ng ABS-CBN, mahigit 11,000 manggagawa ang nawalan ng kabuhayan sa gitna ng pandemya. 

Kasarian

Walang sinabi si Duterte sa kanyang SONA tungkol sa iba’t-ibang isyung nararanasan ng mga babae at ng LGBTQ+ community sa Pilipinas. Bagkus, nagawa pa nitong magbiro ng kabastusan sa gitna ng kanyang pagtatalumpati. 

Marka: PALPAK! Sa loob ng limang taong pamumuno ng administrasyong Duterte, namayani at ipinalaganap sa mamamayan ang kultura ng kabastusan at karahasan sa mga kababaihan at LGBTQIA. 

Sa panahon ng pandemya, hindi bababa sa 3 ang mga kasong pagpatay na nabibilang na gender-related hate crime. Ang mga kababaihang napapasama sa mga drug list naman ay naging biktima ng mga kasong “palit-puri” o kaya naman ay nakararanas ng pambabastos. 

Nakita rin natin ang sinapit ng mga babaeng kritiko ng pamahalaan – kung paanong binastos si Senator Leila de Lima sa isang pagdinig sa Kongreso dahil sa mga gawa-gawang kaso, o kung paanong patuloy ang pambabastos sa Bise Presidente. Wala ring iniusad ang SOGIE equality bill sa loob ng dalawang dekada. Si Duterte rin ang nagbigay ng absolute pardon kay Joseph Scott Pemberton, ang Amerikanong sundalong pumatay kay Jennifer Laude.

Kalikasan

Inamin ng Pangulo sa kanyang SONA na pansamantalang solusyon lamang ang dolomite sa Manila Bay hanggang makahanap ng alternatibo – patunay na nagsasayang ng milyun-milyong pera ng taumbayan habang hindi pinapansin ang samu’t saring likas-kayang solusyon ng mga siyentista’t komunidad, krisis sa klima, at lumalalang kalagayan ng ating kalikasan. 

Marka: PALPAK! Patuloy na pamamayagpag ng mga korporasyong pinahihintulutan ng gobyernong wasakin at ubusin ang ating likas yaman. Patagong ni-renew ni Duterte ang kontrata ng mapaminsala at iligal na minahan ng OceanaGold Philippines Inc., at ipinasa ang E.O.130 na nagpawalang-bisa ng ban sa mga bagong mining contracts habang sadlak sa matinding krisis sa pagkain ang bansa gawa ng pandemya.

Sa ilalim din ng “Build Build Build” ni Duterte pilit na itinatayo ang mapaminsalang Chinese-funded na Kaliwa Dam, kahit wala itong malinaw na Free, Prior, and Informed Consent mula sa mga katutubong Dumagat na ang lupaing ninuno ay ang pagtatayuan ng dam.

Kulang din ang proteksyong ibinibigay para sa mga nagtatanggol ng ating karapatan para sa isang malinis at malusog na kalikasan. Ang Pilipinas na ang itinuturing na pangalawang pinaka-mapanganib para sa mga tagapagtanggol ng lupa at kalikasan sa buong mundo. 

Panawagan

Sa pagtatapos ng termino ng administrasyong Duterte, malaki ang hamon sa ating mga mamamayan na magkaisa at bumangon mula sa krisis na likha ng kasalukuyang gobyerno. 

Kumilos at magpakilos. Kasabay ng pagyurak ni Duterte sa esensya at imahe ng karapatang pantao, muli nating hanapin ang ating lakas at boses. Mag-organisa at manghimok na magparehistro para sa darating na halalan.

Panagutin. Tiyakin nating makakamit ang katarungan ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Suportahan natin ang mga organisasyong kumakalap ng mga pananaw ng mga biktima ng extrajudicial killings upang mas tumibay ang posibleng imbestigasyon sa International Criminal Court. Hindi makakalimutan ng bayan ang karumal-dumal na kasalanan ng administrasyong Duterte at ng kanyang mga kaalyado. 

Magkaisa. Sama-sama nating kamtin ang hustisya para sa ating karapatan at sa mga nawalan ng buhay at kabuhayan. Isali ang inyong organisasyon sa lumalaking #CourageON Coalition na naglalayong pagkaisahin ang mga kampanya para sa ating karapatang pantao. Nasa atin ang lakas, tayo ang bukas!

#DutertePanagutin #CourageON.

Signatories:

  • MovePH
  • AGHAM Diliman
  • AGHAM Educators
  • Akbayan Youth
  • Alyansa ng Kabataang Mindanao para sa Kapayapaan (AKMK)
  • Alyansa ng Maralitang Pilipino 
  • Alyansa Tigil Mina
  • Anakbayan Metro Manila
  • Anakbayan Nueva Ecija
  • Anakbayan UP Manila 
  • Ateneo Human Rights Center
  • ASEAN SOGIE Caucus
  • Bahaghari
  • BALAOD Mindanaw
  • BUKLOD CSSP
  • Center for Environmental Concerns – Philippines
  • Center for Youth Advocacy and Networking Inc.
  • Coalition for People’s Right to Health
  • College Editors Guild of the Philippines 
  • Concerned Artists of the Philippines (CAP) 
  • Council for Health and Development
  • DAKILA
  • DLSU University Student Government
  • Focus on the Global South, Philippines
  • Furball
  • Gender and Development Advocates (GANDA) Filipinas
  • Health Action for Human Rights
  • Health Alliance for Democracy
  • Human Rights Youth Action Network (HRYAN)
  • Human Rights Online Philippines (HROnlinePH)
  • Hustisya
  • In Defense of Human Rights and Dignity Movement (iDEFEND)
  • Kabataan Partylist
  • Kabataan Partylist UP Manila 
  • KAISA – Nagkakaisang Iskolar Para sa Pamantasan at Sambayanan (KAISA UP)
  • Kalikasan PNE
  • Karapatan
  • Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KILUSAN)
  • Laban ng Mamamayan ng Baseco (LAMBA)
  • League of Filipino Students Metro Manila
  • League of Filipino Students UP Manila
  • League of Urban Poor for Action (LUPA)
  • Likha Pahinarya
  • LILAK (Purple Action for Indigenous Women’s Rights)
  • Metro Manila Pride 
  • Mindanao Pride
  • Nagkakaisang Mamamayan Tungo SA Pagbabago (NMTP)/
  • National Alliance of Youth Leaders, Inc. (NAYL PH)
  • National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)
  • National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL)
  • National Union of Students of the Philippines (NUSP)
  • Nuclear/Coal-Free Bataan Movement (NCFBM)
  • Pagkakaisa ng Kababaihan para sa Kalayaan (KAISA KA)
  • Pagkakaisa ng mga Samahan ng Mangingisda ( PANGISDA-Pilipinas)
  • PAMALAKAYA
  • Pambansang Katipunan ng Makabayang Magbubukid (PKMM)
  • Partido Manggagawa
  • Pioneer Filipino Transgender men Movement (PFTM)
  • Practice of Administrative Leadership and Service – NCPAG (PALS-NCPAG)
  • Rainbow Rights Philippines
  • Reklamador
  • Save San Roque
  • Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO)
  • Solong Nanay at Tatay (SONATA)
  • Student Christian Movement of the Philippines
  • Student Council Alliance of the Philippines (SCAP)
  • Sulong UP Manila
  • Tanggol Bayi
  • Tanghalan at Bukluran  mga Aktibong Kabataan sa Komunidad (TABAKK)
  • The Philippine Movement for Climate Justice 
  • Transman Equality and Awareness Movement
  • True Colors Coalition (TCC)
  • Union of Progressive Students 
  • Ugnayan NG mga Samahan sa Parola (USAP)
  • UP Paralegal Volunteers’ Organization
  • We The Future PH
  • Workers for People’s Liberation
  • Youth Act Now Against Tyranny
  • Youth for Nationalism and Democracy (YND)
  • Young Bataenos for Environmental Advocacy Network (Young BEAN)
  • Center for Youth Advocacy and Networking Inc.

– Rappler.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3375

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>