Araw ng Kalayaan, pero may kalayaan ba talaga tayo?
Ito ba ang kalayaang makipagsapalaran sa laot at itaboy ng dayuhan sa sariling karagatan? Ito ba ang kalayaang tumulong sa kapwa kakabit ang panganib na ma-red tag ka?
Malaya ba tayo kung sa mata ng batas ay pareho ang kahulugan ng aktibista at terorista? Malaya ba ang lipunan kung binubusalan ng pamahalaan ang mamamahayag? Malaya ba ang lipunan kung nangamamatay ang mga abugado at tagapagtanggol ng karapatang-pantao?
Malaya ba ang lipunan kapag bantay-salakay ang pulis laban sa mahirap, walang boses, at walang kalaban-laban?
Panoorin ang handog na video ng Rappler sa Araw ng Kalayaan. – Rappler.com