MANILA, Philippines – In the middle of the coronavirus health crisis, President Rodrigo Duterte signed into law a bill giving the government more powers to act against persons or groups falling under what critics say is a dangerous and vague definition of terrorism.
This was announced by Interior Secretary Eduardo Año on Friday, July 3.
How do visual artists feel about a law that could possibly stifle them from free expression?
This week, we feature the work of Marc Christian Nas, a 23-year old architecture graduate and start-up digital artist (he mainly uses PowerPoint!) from Bulacan.
The work below is entitled "Bangungot sa mga mulat," and here's what he has to say about it:
"Sa panahon ng matinding krisis sa kalusugan, ang karamihan sa atin ay mulat na sa realidad ng ating buhay: mulat na sa kasalatan sa serbisyong medikal; kawalan ng trabaho, makakain at matutuluyan; mulat sa panggigipit ng mga naghaharing-uri. At imbis na pakinggan ng administrasyong ito ang hinaing ng bawat isa, ang iba ay ipinagsasawalang-kibo na lang. Ang malala, ang mga mulat ay pinatatahimik pa, sinasakal, dinadaan sa kamay na bakal. Tayo ay iniisa-isa, hinuhuli, kinukulong; higit pa roon, kinikitil ang buhay.
Sa pagpirma ng Anti-Terror Law, imbis na kapayapaan at katarungan ang nais iparating, mas pinalalakas pa ang sistematikong pang-aabuso sa batas at sa kapangyarihan laban sa atin. Kahit sino ay maaaring maging biktima ng red-tagging. Kahit sino, maaaring tawaging terorista nang walang basehan. Kahit sino, maaaring makulong. At ito ay pinapahiwatig lamang na ang Anti-Terror Law ay isang malaking bangungot sa ating mga mulat."
You can follow Marc on Twitter and Instagram via @asdfghjklmarcky. – Rappler.com