MANILA, Philippines – Samu't saring opinyon at kritisismo ang natatanggap ng Simbahang Katolika tuwing dumarating ang Traslacion sa Maynila taon-taon. Bakit nga ba sumusuong sa siksikan at panganib ang mga deboto ng Itim na Nazareno?
Ang prusisyon ng Itim na Nazareno ay ang pinakamalaking pagtatanghal ng paniniwala at debosyon sa Pilipinas, kung saan libo-libong Pilipino ang lumalahok kada taon. (BASAHIN: Faster Traslacion 2020 frustrates devotees)
Bahagi ng tradisyon sa Traslacion ang pagsubok ng mga deboto na lumapit at mahawakan ang rebulto ng Nazareno sa paniniwalang ito ay magdadala ng himala. (BASAHIN: Things to know about the Feast of the Black Nazarene)
#StoryOfTheNation
— MovePH (@MovePH) January 9, 2020
"Nagkasakit akong TB (tuberculosis). Pumayat ako, naging buto't balat, wala na halos. Binubuhat na lang ako, hindi na ako kumakain." #Traslacion2020pic.twitter.com/s3UnjUFprY
Tila himalang maituturing kung pakikinggan ang kuwento ni Mang Antonio: "Pasasalamat ko 'to sa muli kong paggaling. Kasi nagkasakit ako [noon], halos patay na ako. Sinuot ko lang 'yung 'binigay sa 'kin na damit hanggang lumakas ako."
May tuberkulosis siya noon at nasa bingit ng kamatayan. Naniniwala siyang gumaling siya dahil sa Poong Nazareno. Dito nag-umpisa ang kanyang istorya ng pananampalataya.
#StoryOfTheNation: What gave you the courage to bring your baby here at Traslacion despite the crowd??
— MovePH (@MovePH) January 9, 2020
"Panata na namin ito sa Poong Nazareno. Pinagpala niya ang anak ko nang pinagaling niya ito noong may sakit siya. High blood din ako at naniniwala sa kakayanan niya." pic.twitter.com/zk8TPxpYPD
Himala ring matatawag ang istorya ng isang ina na si Jovel, 20 anyos, nang ipaliwanag niya kung bakit dala-dala niya ang sanggol sa gitna ng maraming mga tao.
Aniya, pananampalatayang Kristiyano ang nagpapagaling sa kanyang anak tuwing nagkakasakit ito. May high-blood si Jovel, at naniniwalang kaya itong pagalingin ng pagsama sa taon-taong prusisyon.
#StoryOfTheNation
— MovePH (@MovePH) January 9, 2020
"This is a very interesting event. In Spain, we only gather like this every Semana Santa. Spanish people influenced Filipino people with Christianity but I think they made their own way of praising." #Traslacion2020pic.twitter.com/s5q9EZkfSQ
Nakibaybay sa Kalakhang Maynila para sa andas ng Traslacion ang Spain-based German freelance photographer na si Stephen, 54 taon. Sa Espanya aniya ay nagkakaroon lang ng ganitong kalaking pangyayari tuwing Semana Santa.
"This is a very interesting event. In Spain, we only gather like this every Semana Santa. Spanish people influenced Filipino people with Christianity, but I think they made their own way of praising," ani Stephen.
Ilan lang ang mga ito sa mga istoryang humubog sa mga Pilipino upang maniwala at maging deboto ng Itim na Nazareno. Narito ang iba't ibang mukha ng pananampalataya mula sa prusisyon ng Itim na Nazareno noong Huwebes, Enero 9:
– Rappler.com
Si Criz Vilchez ay isang Rappler Mover. Nagsusulat siya para sa The Communicator, isang pahayagan sa Polytechnic University of the Philippines.